Friday, July 22, 2005

Ang ganda ng buwan kagabi.

***

Natutuwa ako tuwing may nakikita ako't nakakausap na Pinoy dito. Iba ang pakiramdam kung may nakikita akong kababayan, parang malapit na rin ako sa Pinas. Namimiss ko na talaga ang Pilipinas kahit saksakan ng init at gulo ngayon doon. Kung pwede lang umuwi ginawa ko na. Haay...

***

Ang dami kong cute na mga kliyente kanina. Yung pinaka huli kong client mukhang model at ang tamis ng ngiti kaya kahit pinahirapan niya ako ng kaunti eh keribelles na rin. Medyo magulo kasing kausap at pabagu-bago ang isip, gusto pa yata eh binobola at nginingitian ng husto...charot hehehe. Haay nakakaaliw minsan ang mga kliyente, may mga nakakasuya rin. Nagsasawa na ako sa mga pagmumukha nila. Wehehe.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home