A friend requested me to talk about my clients. Everyday I meet different kinds of people. May cute, HUNK, ewan, mabango, hmmm, polite, maangas, bata, matanda, matangkad, tama lang, pandak, payat, mataba, lean, macho, singkit, bilog, dilat, at kung anu-ano pa. May Asians, African Americans, Europeans, and of course Americans. Ang daming gwapong Europeans tapos yung accent pa nila ang sarap sa tenga. Boses pa lang ulam na harharhar. May mga Pilipino rin akong nakikilala. Minsan may nagpuntang couple kasama ang babae nilang anak. Para naman akong baliw kasi tuwang-tuwa ako't Pilipino sila kaya super smile naman ako sa kanila. Filipino ang gamit nilang salita siyemps ang lukaret masaya kasi naiintindihan ko sila pero hindi nila alam hehehe. Finally, napansin ng wife na mega ngiti ako kaya nagtanong siya kung Pinay ba ako. Proud Pinay I said. Sabi niya nagdadalawang isip siyang tanungin ako ng una kasi hindi daw ako mukhang Filipina...nyek nyek nyek. Hindi ako natuwa pero hindi nasira ang mood ko. Hindi ko naman sila masisisi. I look hispanic/latina according to people kaya naman araw-araw eh may mga bigla na lang nagsasalita ng spanish hindi nila alam I don't understand a damn word. Anyways back to the Filipino family, eh di ayun chika-chika na kami. Pagkatapos ko silang tulungan nagbayad na sila. Chika pa kami ng konti. Tinanong ko kung only child lang ba yung bata, sabi nila hindi. May dalawa daw silang binata pero hindi daw sumama sa kanila...hmmm. Tapos tinanong ako ni Carol, yung wife, kung laging ganun daw ba ang oras ko sa work. Sabi ko iba-iba po. I didn't expect the next words: "Ah ganun ba...dadalhin ko sana ang mga binata ko para makilala ka". Whapak! I just smiled.
May mga lalakeng nagpupunta naman lagi pero walang binibili. In other words, inaaksaya lang ang oras ko. Yung tipong maraming itatanong, titingnan tapos pagkalipas ng 30 mins tatanungin ko kung interesado ba sila eh biglang sasabihin na tumitingin-tingin pa lang sila. Nyek, waste of time and energy. Buti sana kung sa susunod na makita ko ang pagmumukha nila eh sold! ang sasabihin ko pero hindi pa rin. Babalik sila para guluhin lang uli ako't aksayahin ang oras ko. Kaya tuwing bumabalik sila, I go as far away as possible hehehe! Or look busy.
One of the many things I learned in my job is that men are helpless without women. THEY NEED US. My gas. May mga customers na pumupunta mag-isa oh di kaya kasama ang mga asawa o girlfriends nila. Mas madaling kausap yung mga walang kasamang babae kasi ako lang ang pakikinggan nila. Ako ang papipiliin at pag sinabi kong "Oh that looks good on you" o "That suit is perfect for you" chuvalens eh naniniwala naman sila. It's amazing how these men seek my approval before they actually consider. Now, men who shops with women is another thing. Let's say with a girlfriend. Sometimes I get mean looks from women when I get a bit close with their men or if the guy seeks praise from me. The girlfriend gives the GO and if she doesn't likes it, next. Hmm. The girl picks everything and the guy just goes along. Now men with their wives. The wife chooses and picks everything. She also says what he should buy. Most men don't really shop and they only do it coz they need to like if they're going to a wedding or some formal event. Of course, us women are masters in shopping that's why men let their wives do the choosing. Minsan ayaw na ng lalake pero wala siyang magawa dahil sinabi ng babae. Kaya pag ganyan, ang dapat kausap eh ang babae. Yung babae ang ligawan.
Kaloka ba? Minsan. Shopping pa lang yan pero lost na ang mga lalake paano pa kaya sa ibang mga bagay? Hehehe. They do need us to survive in this jungle called life.
Sleepless Beauty
I am extraordinary, I am just your ordinary average every day sane psycho Super Goddess.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home